Nothing Left to Give

I think I have nothing to give anymore, I already had loved you with all my days, all my strength, all my abilities.

I had loved you together with all my ability to understand things between us, all our difficult situations.

I already had loved you in ways that can make you realize that its me what you needed, I already had did everything.

It is only I don’t have the guts to start a fight against your girl, because I cant ever sacrifice my dignity for you, its all that was left to me. 

I had already given my all and that’s never enough to satisfy you. 

Never enough to choose me. Never enough reason for you to  realize that my heart is not meant to be broken. 

Never enough reason to be loved back.

 I was never enough. 

But still, thank you

Thank you because I discovered to myself how much I am willing to give for love. 

How much I can love someone, and the next person I will choose to give such great love, must be deserving of it and must fully understand how valuable I am to her, and can love me as much as I deserve to be loved. 

You may not believe me, 

But I gave you all I had.

Borrowed

We don’t own each other.
You are not mine. And I am not yours.
We know that these are all borrowed or steal moments of us.
But having is not  the point of all of this anymore.
Borrowed or not, this still feels the same.
The feeling is still beautiful as good,  and sweet, and I won’t trade these kinds of moments I have with you to anything else in this world.

I just want to stay here right beside you.
Seeing your beautiful eyes looking at me while I continuously hearing my favorite melody, your voice.

While you’re telling me stories about how your day went.
Im getting a glance of your perfectly curved lips .
Lips that owns the smile that melts my heart and  soul.
A smile that is so innocent and marks and invades every part of my mind.
I feel every flesh of you
It pleases me to wrap your body with my hugs and warmth you with mine.
You hold my hand and you quench the thirst of my hands to be held,
I feel how it perfectly fits mine and how warm those hands of you can left me with ice cold feet.

Above all things I borrowed, the moments with you I once had is my favorite.
If you’ll just let me own you,
there’s no piece of you will left untouched,
no flesh of you will left unkissed and
no part of you will left unloved.

Hahayaan Kita

Hahayaan kong kainin ako ng katangahan sayo,
Hahayaan ko ang sarili ko maubos at padurog ng pirapiraso sa bawat masasakit na sinasabi mo.
Hahayaan ko lang na saktan mo ko ng paulit ulit hanggang ikaw na mismo ang magsawa at baka mahalin mo nadin ako. haha putangina hibang na nga  ako.
Hahayaan ko na lang na kahit kailan ay hindi mo sambitin ang pangalan ko dahil tuwang tuwa ka na  tawagin ako sa kung anong mga kagaguhan n  binabansag mo.
Tanga, bobo, baho mo, o kahit sa bawat salita mo ay dugtungan mo pa ng “putang ina mo”
Oo putangina ko kasi ang tanga tanga ko sayo.

Hahayaan ko lang ang sarili ko na maging masaya sa mabababaw na bagay tungkol sayo.
Maging sapat na ang marinig yung mga tawa mo sa telepono,
kahit iba naman yung kausap mo.
Hahayaan ko lang na sambitin mo sakin sa araw araw na siya ang mahal mo,
at magtanong ng paulit ulit sa sarili ko, kailan naman kaya magiging ako.

Hahayaan lang kita na humiling ng kahit anong gusto mo, basta meron ako, ibibigay ko.
Hahayaan lang kita na hanapin ako sa tuwing bored ka na sa buhay mo at wala ka nang choice kundi ako.
Pag wala ka nang makausap, kundi ako.
Pag wala ka nang masungitan, andito naman ako.
Pati nadin putangina, maski pampalipas ng libog mo, nandito padin ako.
Basta nandito lang ako sa lahat ng oras ng buhay mo.
Hahayaan ko lang lahat lahat hangga’t mahal na mahal kita.
Pero tandaan mo, sa ngayon, hahayaan ko lang, pero lahat nang ‘to may hangganan,
At kapag dumating na sa tuktok ng katapusan,
Kapag nagising na ako sa ‘king putanginang katangahan,
kapag wala na kong lakas para lumaban,
kapag nakaya ko nang tanggapin ang katotohanan.
Alam ko, wala akong pagsisisihan.

Sabi nila hindi na daw pagmamahal pag mas lumalamang na ang katangahan,
Pero para sakin, at sa sitwasyon natin,
katangahan nalang ang aking paraan at makakapitan.
Para kahit minsan naman maparamdam ko sayo na minahal kita ng lubusan.
At hanggang sa huli, hahayaan padin kita.
HAHAYAAN NA KITA.

Kaibigan

Alam ko na na kailangan ng alarma sa puso ko tuwing lalapit ka saakin na para kang si Boy Abunda tapos
Sasabihin’ “KAIBIGAN, TARA USAP TAYO” Gusto na kitang taguan, gusto ko nang lumisan sa kung saan di mo ako matatagpuan.
Bakit ba kasi sa ilang bilyong tao sa mundo,
Ako pa talaga?  ako pa talaga ang iyong ginagawang takbuhan ?
Gusto na nga kitang tanungin kung Nananadya ka ba ?
Hindi mo ba nakikita sakin’ mga mata
Na tuwing binibigkas mo ang pangalan niya, ay siya mong pagbalibag ng puso ko?
Oo, kasi KAIBIGAN.
Kaibigan mo nga lang pala kasi ako.
Kaibigan, Kaibigan, Kaibigan.
At hindi natin yun pwedeng lampasan.

Ilang pagiyak at pagpapatahan pa nga ba ang kailangan.
Ilang kwento ng away at bati niyo pa ba ang dapat kong pakinggan ?
Ilang walang hanggang pangako niyo pa ba ang dapat kong malaman.
Ilang luha pa ba ang dapat kong punasan.
Ilang beses mo pa ba ako kikitain sa ating tagpuan para lang magkwento ng mga sari’t sari niyong lambingan
Ilan pa ? Hanggang kailan pa?
Hanggang kailan mo pa ba ako sasaktan.
Ilang kutsilyo pa ba ang hahayaan kong tumusok sa puso ko para ako’y matauhan na putangina, para sayo ako lang ay isang KAIBIGAN.

Kaibigan na dapat lang ay sandalan,
Na maski yang kamay mo, kahit gaano ko naisin ay hindi ko manlang mahawakan.
Na kahit yakap manlang na mahigpit, at may pagmamahal. Hindi ko manlang maranasan.
Paano ko nga ba tatakasan. Paano ?

Mananatili nalang ba akong pipe sa aking nararamdaman o dapat ko nang sabihing “TAMA NA, AKO NAMAN”
Dapat na ba akong matauhan o umasa na baka sakali mapansin mo ko, isang araw tapos maisip mo din na baka meron pa tayong pwedeng patunguhan.

Gusto ko na nga minsang pasukin yang utak mo at ilagay ang bawat letra ng pangalan ko.
Na minsan gusto kong pumasok sa panaginip mo at ipakita ko sayo na magiging mas masaya pa tayo.
Ipapakita ko sayo ang lahat ng bagay na hindi nakikita ng mata mo, lahat ng ginagawa ko para sayo.
Lahat ng pinagsamahan natin na di mo manlang napapansin.
Gagawin kong saakin lang ang atensyon mo, kahit isang gabi lang, kahit isang pagkakataon lang sa panaginip mo.
Kung pwede ko lang nga turuan yang puso mo para ako naman ang mahalin mo.
Gagawin ko.

Sa paggising ko, almusal ko ay “Kaibigan mo lang ako”
Sa tanghalian,  “Kaibigan mo lang ako”
Pati nga sa hapunan “Kaibigan mo lang ako”
Kailan kaya dadating ang umaga na Ako naman ang mahal mo.
Kailan kaya ako gigising ng may lakas ng loob para sabihing
“Kaibigan, Sayo nalang ako”
Sawang sawa na ako sa mga kwentong sinasaktan ka lang niya, sawang sawa nadin puso kong madurog at masaktan.
Kaya kaibigan, kung pwede lang, kung pwede lang naman..

Akin Ka Nalang.

Naghihintay Ako Sayo.

Salamat kung dadating ka man sa buhay ko.
Ngayon, bukas, sa isang araw, sa isang buwan, o kahit pa sa isang taon, o sa isa pa muling taon.
Nandito lang ako, hihintayin ko lang ang pagdating mo.
Hindi ako mapapagod na masaktan ng paulit ulit sa mga taong dumadaan sa buhay ko habang wala ka pa dahil mahal, gusto ko kapag ikaw na, natuto na ako.
Alam ko na kung paano ka mahalin ng buong buo at alam ko na kung ano ang mga hindi ko dapat gawin sayo.
Hinding hindi ko ipaparanas sayo lahat ng sakit na napagdaanan ko, lahat ng sakit na pinaranas sakin ng ibang tao.
Gusto kong gawin sayo lahat ng masasayang bagay na inasam at hinangad ko sa mga minahal ko ngunit di ko natamo.

Mahal naghihintay ako sayo.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko sa tuwing nasa imahinasyon kita.
Gusto kong ako yung babaeng araw-araw na magpipinta ng mga ngiti sa labi mo.
Mga ngiting halos sumara na yaang mga mata mo at kahit yung ngiting bungisngis na lalabas halos lahat ng ngipin mo.
Mahal gusto kitang titigan habang pinapakinggan ko ang lahat ng mga kwento mo.
Habang nakaupo tayo sa ibabaw ng bubong, o kaya naman sa tuktok ng bundok habang nakatingin tayo sa mga bituin at buwan.
O kaya’y habang nakaupo tayo sa isang coffee shop, o kaya sa isang fine dining na restaurant.
Gusto kong maranasan sayo yung manlalabo lahat ng paligid ko at mukha mo lang ang tanging nakikita ng mata ko.
Boses mo lang ang tanging maririnig ng mga tenga ko, at kahit hindi man nakadikit sayo ay maririnig ko ang bawat pagtibok ng puso mo.

Mahal naghihintay ako sayo.
Ikaw lang ang una at huling babae na ipapakilala ko sa mga magulang ko.
Na kahit mahirap at hindi man nila matanggap, ipaglalaban kita at papatunayan ko sa kanila na sa lahat ng pangarap k, ikaw yung pinagkagusto kong matupad.
Ikaw ang babaeng ipakikilala ko sa lahat ng  mga pinsan ko.
Ikaw ang babaeng tatawagin ng mga pamangkin kong “Tita”
At hihintayin nating pareho hanggat sa tawagin ka nadin ng mga magulang kong “Anak”
Pag nangyari yun mahal, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Dahil ikaw lang ang magiging kaligayahan ng bawat araw ko.

Mahal naghihintay ako sayo.
Naghihintay ako sa panahon na kasama kita sa lahat ng adventure ng buhay ko.
Sasakyan natin lahat ng uri ng transportasyon, mula sa maliit na motor, jeep, tricycle, truck, kotse, roro, barko, pati yate mahal, isasakay kita.
Kung pwede nga lang pati kalawakan ay aabutin natin ng magkasama.
Kung pwede lang na pumunta tayo ng NASA at sumakay ng jet plane para sabay nating makita ng malapitan ang mga bituin.

Mahal naghihintay ako sayo.
Sa mga pangarap kong magsasama tayo sa iisang bubong.
Ipagluluto kita ng lahat ng mga pagkain na gusto mo dahil alam kong yun ang magpapasaya sayo.
Palagi kong aayusin ang ating kwarto para mawala ang pagod mo sa trabaho.
Hinding hindi ko hahayaan na maging malungkot ka kahit sandaling pagkakataon dahil gusto ko hayaan mo kong tratuhin kang prinsesa. Mahal aalagaan kita.

Ang dami kong pangarap sayo, para satin mahal ko. Hiling ko lang sana kung nakanino ka man ngayon
At kung sino man ang may hawak ng puso mo ay iniingatan ka,
Na sana nga kung ano man ang iyong ginagawa sana ay masaya ka.
Na sana nga  kapag dumating ka ay hindi ka parang gusgusing bata na nanghihingi ng tulong dahil napabayaan siya.

Mahal ipagdadasal ko na sa araw araw ay ingatan ka niya, ang puso mo, ang iyong kamay na himbingan ko.
Ingatan ka Niya dahil dadating pa ang araw na mamahalin kita.
Hihintayin ko ang panahon na tayo naman dalawa,
hawak ko ang kamay mo at ang puso ko sa harap Niya.
Magpapasalamat tayo ng sabay dahil binigay niya tayo sa isa’t isa.
Mahal, naghihintay ako sayo. Naghihintay lang ako sa ating Walang Hanggan.
Sana nga ikaw na ay aking matagpuan.

BALIKBAYAN

Naalala ko pa yung pagkasabik na nararamdaman ko tuwing hinihintay namin ang ate ko sa airport,
Isang oras bago ang pagdating nya ay nandoon na kami ng buong pamilya.
Tapos ayun, hindi ko maipaliwanag ang  saya na bumalot sa puso ko nang muli siyang nakita.
Yung ngiti na umukit sa mga labi ko na waring mapupunit, mga yakap na inasam ko na napakahigpit.
Di maubos ubos ang mga kwento at tawanan.
masaya.. sobrang saya.

Pero minsan, hindi nga ba’t hindi lahat ng mga bumabalik ay gusto mo pang  bumalik.
Hindi nga ba’t hindi naman lahat ng bumabalik ay gusto mo pang  makita.
Hindi nga ba’t hindi lahat ng bumabalik ay nagdudulot pa ng saya.
Dahil ang iba dala lang ay pagdurusa na nakakapamura.

Kasi, minsan di ka sigurado kung tama bang bumalik pa sya sa’yo.
Minsan pa nga’y gugustuhin mo nalang iuntog yung sarili mo dahil sa utak at puso mo na waring nakakagago yung gulo.

Di mo alam kung mababalik pa ba yung dating kayo, yung ikaw na mahal na mahal niya, at yung siya na naging mundo mo.

Yung saya mo noong magkasama pa kayo, yung saya noong magkasama pa sa mga panagarap na binubuo niyo, at magkasama pa sa walang hanggang kwento niyo na pinaglaban niyo kahit na hindi perpekto.
Yung saya na nasa tabi mo lang siya na halos gusto mong lumuhod at magpasalamat na meron kang siya.

Seryoso, naguguluhan na ko.
Dapat pa banb tanggapin ko ang pagbabalik mo?

Tsokolate, sapatos at damit yan madalas dala ng mga balikbayan natin.
Pero sa lahat ng bumabalik alam mo ba?  Ikaw ang may kakaibang dala;
kaba, sakit, kirot at hapdi.
kaba, sakit, kirot at hapdi, PAGDUDUSA.
Dinala mo lang lahat ng hindi ko na dapat maramdaman pa.
Doon pa talaga sa lugar kung saan bumuo tayo ng mga pangarap,
Lugar kung saan noo’y nililikha lang natin ay pagmamahal at saya.
oo kay sarap isipin,
akalang ang lugar na yun ay ating himbingan, lugar na saksi ng lahat ng ating sinumulan.
Ngunit ngayon, hindi siya mananatiling paraiso, sa kabilang banda nito’y mga ala-ala ng pighati’t luha ng sakit ng pagwawakas ng ating sinimulan.

Sinubukan kitang pigilang umalis,
pero pinilit mong tanggalin at bitawan ang mahigpit kong pagkapit sayo.
Pinilit mo kong palayain ka.
Sa kadahilanang mas malabo pa sayo, ang labo mo, sabi mo para sa’akin lahat ng ‘to pero kung alam mo lang ang mga dahilan ko para manatili ka pa ay para din sayo.
Sana hindi mo nalang inisip kung para saakin ba o sayo, sana inisip mo rin kung PAANO NA YUNG TAYO.

Luma na yang dahilan mo,
Hindi ko alam kung saan ka patungo.

Ang alam ko lang ay gugustuhin mong pumunta sa lugar na kung saan malayo ako sayo.
Hindi ba’t doon ang lugar na ginusto mo? Hindi ba’t doon sasaya yang puso mo.
Binigay ko yun sayo.
Kaya hindi ko alam bat ka pa bumbalik dito? Sa lugar na nilisan mo dahil sa ayaw mo at may iba kang gusto.
Naguguluhan ako, pwede bang ipaintindi mo?

Ilang buwan narin ang lumipas mula ng ako’y iyong iwan
Ewan, di ko alam kung bakit hanggang ngayon sa puso at isipan ko ikaw pa din ang laman.
Sa panaginip ko’y andun ka pa din paminsan-minsan
At bumabalik balik pa din yung mababang dahilan kung bakit mo ako nilisan.

Dapat pa nga bang marinig pa ang yong mga rason at malaman kung anong napala mo sa paglipas ng panahon.
Baka ako’y masaktan lang muli sa sa sakit ng kahapon.
Siguro nga dapat tulungan mo na lang ako makamove-on, wag mo na akong lunurin sa sakit ng kahapon, lumisan ka kung lilisan para naman tuluyan na akong makaahon.

Bago ka sana umalis  noon binigyan mo munang linaw,
Dahil ako ay Uhaw,
uhaaw na uhaw sa dahilan upang ako’y tuluyan ng lumimot sa masalimuot na kahapon na hindi naman ganun kadaling itapon tulad ng inaakala mo.

Maituturing ba kitang balikbayan
kung sa iyong pagbabalik
dala dala’y moy maletang kay daming lamang dahilan na sana  noon pa man ay akin nang nalaman.
Nang sana manlang ay nalimot na kita sa hindi man madaling paraan, ngunit magpapagaan sana kung meron kang sapat na dahilan..
Kung meron lang naman.

by: Fritz Roquero